Ang Sinauna at Makabagong Dragon
Ang mga dinosaur ay nanirahan na sa mundo bago pa ang mga tao, dahil sa kanilang malalakas at naglalakihang katawan, hindi nakakapagtaka na sila ag namumuno sa mundong ito noong unang panahon. Ngunit maliban sa kanila ay mas higit na kinakatakutan ang mga Dragon.
Mapupula at nanlilisik nitong mga mata. Mahaba at matataba nilang buntot na singlaki ng kanilang katawan. Matutulis at mahahabang kuko. Matatalas na ngipin na sing talim ng espada. Makakapal na kaliskis na hindi nasusugatan at ang malalapad na pakpak na kayang bumalot sa isang siyudad ang nagpapatunay na walang kasing bangis at higit na mas nakakatakot sa mga Dinosaurs.
Itinuturing na panginoon ng mga hayop ang mga Dragon.
Ang aking napiling kwento na mula sa Persia ay pinamagatang "Ang Alamat ng Huling Dragon". Sa kwentong ito pinapakita kung paano nasisilaw ang isang nilalang sa kapangyarihan at kung paano naapektuhan ang ibang nilalang na nakakasalamuha nito.
Ang mga Dragon ay kinakatakutan dahil sa kabangisan nito. Hindi naman nila ito ginagamit upang makuha ang gusto nila at mambiktima ng ibang hayop sapagkat ginagamit nila ito upang protektahan ang kanilang sarili. Maliban kay Smaug.
Si Smaug ay iba sa lahat ng Dragon dahil sya ay kilala sa buong kagubatan ng Astera bilang pinakamasama at pinakamalupit na Dragon. Sobrang makasarili si Smaug kaya itinuturing nyang kaharian ang buong kagubatan ng Astera. Hindi nya pinapahati ang ibang mahihinang hayop sa kanilang mga likas na yaman maliban sa mga kauri nito. Isang araw nagulat na lang ang lahat ng hayop na sira-sira na ang kagubat at karamihan sa mga puno ay putol na, dahil lamang ito sa pagiging malupit ni Smaug.
Dahil sa kanyang kasalanan sya ay pinarusahan at lahat ng kauri nyang Dragon ay nadamay rin. Tinanggalan sila ng boses at pinalitan ito ng apoy, kaya kada subok nilang magsalita ay apoy ang nilalabas.
Sa isang pagkakamali lang ay nawala ang kanyang mga kalahi at sya ang responsable sa mga nangyare at sya ang alamat ng huling dragon.
Ngunit paano naman ang mga makabagong Dragon?
Sa modernong panahon laganap na ang mga sakim at malulupit, isang maganda halimbawa dito ay ang mga tao sa politika. Ginagamit nila ang pagiging matalino nila upang makuha ang loob ng mga tao at kapag sila ay nakaupo na at nakakuha na ng kontrol sa mga tao ito'y magiiba ng ugali at gagamitin nila ito upang makuha ang gusto nila. Dahil sa panahong ito pera ang panginoon ng mga tao. Gagawin nila lahat kahit na buhay ang kapalit makuha lang ang ginhawa sa buhay.
Wala namang pinagkapareho ang mga tao at si Smaug sa panlabas na anyo, sila naman ay hindi nagkakalayo sa ugali. Kagaya ni Smaug, ang mga tao ay nagkakanya-kanya na pagdating sa ginugusto hindi nila namamalayan na may mga natatapakan na silang kauri nila. Kapag naman sila'y may nagawang kasalanan miski anino'y hindi mo na makita
Wala ka nang makikitang Dragon panahong ito ngunit sila'y mararamdaman mo. Kahit saan ka pumunta hindi mo maikakaila na laganap na talaga ang mga masasahol sa ugali sa mundo at nakakalungkot pa dito ay kung sino pa ang iyong dapat pagkatiwalaan sila pa ang tatalikod sa'yo at ibabagsak ka, kung sino pa ang presentableng tignan ay sila pa ang nanakawan ka.
Habang patalino ng patalino ang mga tao ay nakakalimutan na nito gamitin ang puso. Kapag nagpatuloy ang ganitong pag-uugali lahat tayo ay pagsisisihan ito, kung ang kasalanan ng isa'y hindi nito maayos pare-pareho tayong madadamay sa problemang maidudulot nito kaya dapat hindi kinokonsinte ang ganitong paguugali at imbis na suportahan ay dapat labanan ito. Pare-pareho lang tayong nakikinabang sa mundong ito kaya problema ng isa problema ng lahat.
"KAPAG ANG HINAHARAP DI MAHARAP TATALIKURAN"



Bobo
ReplyDelete